
Buhay pa ang mga taong ito, pero sigurado akong sinusunog na agad sa dagat-dagatang apoy ang mga kaluluwa nito! Ang tanong, may mga kaluluwa pa kaya sila?
Wala pang halloween, pero damang-dama ko na ang naka-hihilakbot o nakatatayong-balahibong hatid ng mga GCASH Scammers na yan! Totoo ngang mas nakakatakot pa ito kumpara sa mga horror stories!

Mapapabulong ka na lang talaga sa hangin “Buhay pa ang mga taong ito, pero sigurado akong sinusunog na agad sa dagat-dagatang apoy ang mga kaluluwa nito!” Ang tanong may mga kaluluwa pa kaya ang mga ito? Grabe! ayaw nilang lumaban ng patas sa buhay!
Nitong nakaraan, nagulat na lang ako ng biglang makatanggap ng magandang balita na may makukuha pa pala akong backpay mula sa huling pinasukan kong trabaho.
Sobrang saya nun kasi walang-wala ka, tapos may ganyang biyaya at balita.
Mapalad tayo ngayon kasi digital age na! sandali ko lang nakuha ang backpay ko. Hindi ko na kailangan magpakita sa opisina. So nareceive ko yun sa tulong ng personal bank ko at na transfer din agad sa e-wallet ko – ang GCASH!
Ito ang kwento. Since may laman ang gcash ko at wala naman akong pag kakagastusan nito, naisip ko na bakit hindi ko na lang isave sa GCASH? Tutubo na, may chance pa akong maka utang sa G-Credit at Gloan nila, kasi nga may savings ako sa kanila di ba? (hindi ako sure)
At dahil first time ko mag save sa isa sa mga option/bank doon, it takes time para mag reflect o pumasok ito agad sa savings account ko. At dahil nga sa tagal ng paghihintay mapapatanong ka kung bakit hindi pa kaya nagrereflect ito sa savings ko? So, kanino ka magtatanong o mag-iinquire? edi sa GCASH.
So pumunta ako sa Facebook to look some information at nakita ko ang page at group nila na may 3M members at followers. So dami ng followers, members and likers na yan. iisipin mong legit ang facebook na yan.

So I ask bakit hindi pa pumapasok yung savings ko sa Gsave ko? O gaano ba katagal bago ito mag-reflect?
At dito na naganap ang pangyayaring kahit sa sarili ko hindi ko naisip na pwede din palang mangyari sakin. BIKTIMA ako ng SCAM!
Pinadalhan ako ng pin code from GLOBE ONE na akala ko ay for verification lang. Sabi ko sa sarili ko hindi naman s’ya from GCASH kaya hindi ko inaakalang payment option na pala iyon.
NAKAKAKILABOT pala ang mga ganitong pangyayari! Daig pa nito ang mga kuwentong kababalaghan o ghost stories. At sigurado akong hindi lang sa akin ito nangyayari. At sigurado ako ulit, na nangyayari at mangyayari pa rin ito sa iba.
Mauulit at mauulit pa rin ang mga ganitong pangyayari kaya ginagawa ko ang part ko bilang biktima at bilang concern citizen para makatulong.
NIREPORT ko ang facebook page/group na akala ko ay official. Anong nangyari? – wala.
Wala daw nakikitang dahilan ang facebook para isuspend o tanggalin ang mga fake group/pages ng CGASH. Siguro dahil milyon-milyon ang members nito?


I-re-report ko pa sana ito PNP CyberCrime group pero sigurado akong masasayangan lang ako ng panahon. Ganung na ireport ko na rin ito sa GCASH at nagsabing hindi na nila maibabalik sa akin ang mga nakuha, dahil na widraw na o na transfer na ito ng mga scammer.

So ito ang dahilan kung bakit ko ito kinukwento at ibinabahagi sa inyo. Isa itong MALAKING kwento! hindi lang para sa mga users kundi pati na rin sa FACEBOOK na ayaw tanggalin ang mga group at pages na yan sa puder nila kahit makailang report na ako.
Maniwala kayo. Hanggang nandyan ang mga yan sa Facebook, makakapag biktima at makakapag biktima pa rin sila.
Hindi na ito usapin ng katangahan o pagpapabaya sa mga code o pin na ibinabahagi natin sa iba. Tungkol na ito platform na nagiging tulay para makapag biktima o makapang scam ang mga scammer.
Sana mapansin ito ng mga media para makalampag nito, hindi lang ang gobyerno kundi ang FACEBOOK na mismo para maputol nito ang ugat ng lahat.
Muli, hindi lang ito tungkol sa kakulangan ng impormation bakit may mga nabibiktima sa mga online scams. Tungkol na ito sa ugat o tulay ng lahat -ang FACEBOOK mismo!
Isang aral na naman. Bakit ba madalas laging sa huli tayo natututo?
Sa huli, HUWAG TAYONG MAG SHARE o MAGBAHAGI NG MGA CODE SA IBA.
Haaay, depress na naman! 😦