
Kahapon, halos dalawang araw na naman akong mulat. Hindi ko alam kung kagustuhan ba iyon o kailangan. Kailangan siguro para may pangtustos ako sa sarili ko. At kagustuhan na rin para mailihis ang mga kaisipan ko na nagdadala sa akin sa isang na namang kalungkutan.
Nitong nakaraang linggo mapalad akong nakasalamuha ang mga blogger na hindi ko pa nakikita sa personal. Ito ay sina Bagotilyo, Harold at Mark aka Tonto Potato. Ganoon din ang makailang ulit ko ng nakasalamuha na sina Bino at Will. Masaya akong makakilala ng mga bagong karakter sa buhay ko.
Sa mga ganoong sitwasyon at pagkikita-kita, kahit papaano naiibsan nio ang mga kalungkutan sa buhay kong walang kagana-gana. Salamat sa mga oras.
Sa kuwentuhan, may mga kwento talagang gusto ko man ikwento sa iba, pakiramdam ko wala namang magiging interesadong pakinggan ito. Lalo kung usapan ito ukol sa sariling pantasya, pangarap o usaping pag-ibig.
Madalas sinasabi ko sa sarili ko na ayaw ko ng mag-mahal. Minsan naman parang gusto ko na uli. Parang isang hangin na bigla ka na lang susuntukin at ipaparamdam sa iyo na tila may nakabarang kung ano sa isipan mo. Pero dahil isa iyong panununtok, imposibleng hindi ka masasaktan. Isang panloob na sa sakit na ayaw mo uling maranasan.
Kahapon, halos dalawang araw na naman akong mulat. Hindi ko alam kung kagustuhan ba iyon o kailangan. Kailangan siguro para may pantustos ako sa sarili ko. At kagustuhan na rin para mailihis ang mga kaisipan ko na nagdadala sa akin sa isang na namang kalungkutan.
Hindi biro ang mamalagi sa opisina nang 17 hours! Halos doon na ako tumira. Kailangan ko kasing tapusin mag-isa ang 15 pages na pahina na deadline na.
Alam mo ba yung mga pagkakataong na gusto mo nang iwanan ang isang bagay dahil nahihirapan ka na? Pero kapag nawala, alam mo na mahihirapan ka pa din! Ang hirap no? Puro pahirap. Wala ka namang ibang magawa kundi mag paalipin sa mga pasakit kaysa maramdaman ibang bersyon ng sakit na doble ang triple ang hatid. Alam nyo ang ibig kong sabihin.
Hindi ko lang talaga alam kung anong pananadya meron ang pagkakataon. Sumakay ako sa bus pauwi ng Maynila mula sa Alabang. Sabi ko matutulog ako para maibsan yung pisikal na sakit ng ulo ko dahil sa antok at pagod. Pero pilitin ko man ipikit ang mga mata ko… kung maririnig mo naman ang bawat dialogo ng kapwa karakter sa pirated DVD na pinapalas sa naturang bus. Parang binabangungot ka lang ng gising. Hayup na yan! ONE MORE CHANCE ang palabas!
Awang-awa ako kay Popoy lalo na nung binanggit nya ang mga katagang “Bash, ang sakit-sakit na!”
Taragis talaga! may mga bagay na ayaw mong balikan pero instant na mag fa-flash back agad.
Kung tutuusin mapalad pa ako sa kalagayan ko ngayon dahil simpleng sumpong lang ‘to ng kaemuhan. Pero bakit ganun? Nalulungkot talaga ako. Aminin ko man sa hindi, alam ko naman talaga ang kinalulungkot ko.
Gusto ko uli maranasan yung pakiramdam na alam mo sa sarili mo na hindi ka nag-iisa. Yung pakiramdam na kahit alam mong tuyung-tuyo utak mo sa trabaho, nag-uumapaw naman ang nilalaman ng puso mo.
Sana totoo lahat ng One More Chance na kahit punung-puno ng hapdi ang bawat eksena, alam mong matatapos din ito at mauuwi sa happy ending.