Nauwi na rin ako noon sa huling aksyon para tuluyang masugpo ang balakubak! – ang magpakalbo! 😀 Walang buhok, walang balakubak! solb! Pero hindi naman tayo habang buhay na kalbo. Hindi naman lahat tayo ay gustong magpakalbo lalo na sa mga kababaihan.


Kamot dito, kamot doon. Kapag nalaglag na sa balikat, pagpag naman dito, pagpag doon! Nakakairita di ba? Ilan lang yan sa mga senaryo kapag may matindi ka ng balakubak. Mapapaligo ka talaga ng de oras para mawala ang kati mo! Pero nawawala nga ba? Parang paulit-ulit na lang tayo sa mga senaryong ganyan kahit anong ligo mo, hindi naman talaga lubusang nawawala! Hanggang pangarap na lang ba talaga ang dandruff free? Anong gagawin?

Susubok at susubok ka talaga ng mga alternatibong paraan para mawala yang kating nararanasan mo. Ano nga ba ang una nating susubukan? Syempre ang gumamit ng mga commercial shampoo tulad ng Head & Shoulders, Guard, Clear at kung anu-ano pa. Epektibo ba? Siguro sa iba, pero hindi para sa tulad ko o sa tulad mo. Depende pa rin sa kalagayan ng mga anit natin. Tandaan natin na magkaiba ang anti-dandruff sampoo sa dandruff removal shampoo. Puro anti-dandruff shampoo kasi ang nasa commerical, wala talagang dandruff removal shampoo kaya hindi talaga nawawala balakubak ko! Ayun ay sa pakiwari ko lang naman lol.

Pero ang totoo, gustung-gusto ko talagang mawala ang kati ng anit ko dahil sa mga bakalubak kong ito!

Ganun pa man, may kani-kanila tayong dahilan bakit ba tayo o paano ba nagsisimula ang pagkakaroon ng balakubak natin.

Anila, namamana din daw kasi ito o nasa genes na kaya mayroon tayo nito. Factor din daw ang stressed natin sa school at trabaho. Ganoon pa man uli, kahit namamana na’tin ito, nasa lifestyle pa rin natin kung bakit tayo nagkakaroon nito.

Katulad ko, bata palang ako lalo na noong nasa high school ako, hindi pwedeng pumasok ako na hindi nag he-hairstyle sa pamamagitan ng hairstyle gel. Uso pa naman noong ’20s ang pagaraan ng hairstyle sa tulad naming mga kalalakihan. Kaso pinagbawal sa school namin noon ang pag ge-gel. Iritang-irita kasi sila sa mga tayu-tuyong hairstyle namin. Kaya ayun nauwi na lang ako sa paggamit ng mga “Suave” ito yung hair cream na ginagamit ng magulang ko noon, na ginamit ko na rin para hindi dry-na-dry o buhaghag ang buhok ko noon.

Minsan, nakakaligtaan ko maligo habang meron ako nito, at doon na nagsisimula ang pagkakaroon ng matinding balakubak. Marami kasing naiiwan na bagay-bagay sa mga anit. At kapag nagkaroon na tayo nito, imposibleng hindi natin ito kamutin. At kapag kinamot na nga natin ito, magsisimula na ang impeksyon na nagiging dahilan para hindi na lubusang mawala ang mga balakubak natin. Kaya kahit anong anti-dandruff shampoo at alternatives ay ayaw na talaga mawala.

Ang totoo, nasubukan ko na ang mga alternatives. Nakakatulong daw ang paglalagay ng baby oil sa anit natin para hindi ito mag dry. Pero sabi naman nila, ang masyadong mamantika ay masama pa rin! Ang sobrang oil kasi ay maaaring makabara sa mga follicle ng buhok na maaaring maging sanhi sa pagkawala ng buhok at pag kakaroon ng balakubak. Ang oily hair daw ay posibleng mag-trap ng mas maraming pang dumi. Ang mga dumi katulad ng alikabok ay maaaring maging sanhi ng acne.

O di ba ang labo? Ang akala ko noon, ang oil ay nakakatulong para hindi maging sanhi ng pagka-dry ng anit, pero ito pala ang pwedeng maging sanhi para maipon o ma trapped ng mas marami pang dumi sa mga anit natin.

Ito pa! isa sa mga pamahiin o sanhi patungkol sa pagkakaroon ng balakubak ay dahil sa pagbibilad o paglalaro natin sa ilalim ng araw noong mga bata tayo. Ayaw na ayaw tayo pagbiladin sa araw ng mga magulang natin noon dahil baka daw magkaroon tayo nito bukod sa pagkakaroon din daw ng mga kuto. Pero ang totoo. Ang pagbibilad pala sa araw ay nakakatulong para gumawa ng bitamina D sa mga anit natin. Isa daw itong epektibong gamot at natural laban sa balakubak! Natural na bitamina daw kasi ang sikat ng araw na nakakatulong para sugpuin ang mga fungus na nagdudulot ng mga balakubak natin.

Nasubukan ko na rin gumamit ng Aloe Vera, Coconut Oil, Lemon, Kalamansi pati na rin ang baking powder. Wala pa rin!

Kaya nauwi na rin ako noon sa huling aksyon para tuluyang masugpo ang balakubak! – Ang magpakalbo! 😀 Walang buhok, walang balakubak! solb! Pero hindi naman tayo habang buhay na kalbo. Hindi naman lahat tayo ay gustong magpakalbo lalo na sa mga kababaihan.

Hanggang masubukan ko ito na tuluyang nagpawala sa balakubak ko.

Ang dami kong sinabi bago ko ito sabihin sa inyo. Hahaha

Salamat sa mama ko na nakatuklas nito mula sa isang kaanak. Ito daw ang epektibong nagpawala sa balakubak nya.

Agad din bumili si Mama sa isang butika – ito ang Nizoral. Isa itong anti-fungal shampoo di hamak na mas mura ang isang sachet nito kumpara sa isang dosena o isang boteng shampoo na binibili nyo.

Hindi ito paid story kung sasabihin kong effective sya ha! Pero wala na talaga akong balakubak ngayon. Akala ko hindi na ko makakatuklas ng ganito. Totoo pa ring may anti danfruff shampoo.

Simple lang naman ang pag gamit nito. Katulad sa isang ordinaryong shampoo, patagalin mo lang ito atleast 3-5 minutes sa anit mo, bago mo sya banlawan. Solb!

Wala na kong balakubak ngayon. Pwede na rin akong bumalik sa regular shampoo ko kung gugustuhin ko. Pero one thing for sure babalikan ko ito sakaling bumalik ang mga balakubak ko.

Salamat Nizoral! May totoo pa rin sa mundo 🙂

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply

Som2ny Network
Logo
Register New Account
Compare items
  • Total (0)
Compare
0
Shopping cart