KAILAN MO DAPAT ISINUSUKO ANG ISANG PANGARAP?



Masaya kong ibinalita ito sa kapamilya at mga kaibigan ko. Higit sa lahat, sa mga inutangan ko ng pamasahe.., pahiwatig na maibabalik ko na ang mga hiniram ko sa kanila.


Hindi na talaga ako nadala! Sa huling post ko, sabi ko ‘Tama na!”, “Bitawan na natin ‘to!”, “Pagod na ko!”, “Ang dami nang nasasayang: pera, oras, at pagkakataon!” -mga pagkakataong isinu-suko mo na ang lahat pero kakatukin ka uli ng pangarap mo. Wala ka naman magawa kundi sumugal! pero tulad ng sugal -walang kasiguraduhan tapos mag-iiwan pa ng sugat na magpapalubog sayo bilang talunan.

Sa last post ko, isinuko ko na eh!

Kaso nagparamdam na naman. So, si ako, bilang kating-kati sa pangarap ko na makapag trabaho na uli -sugal na naman.

Nangutang na naman ako ng pamasahe at panggastos para humarap bilang ordinaryong aplikante sa kanila. Naghintay at hindi umangal dahil tayo ang may kailangan sa kanila.

Noong araw na yun, pakiramdam ko na masusuklian na lahat ng mga paghihintay at pagtityaga ko! Isipin mo… fresh grad palang ako nag a-apply na ko dito.

Sa huling pagharap sa kanila, pinanghawakan ko ang mga salita at katanungan sakin kung “Kumpleto na ba mga government numbers mo?”

Masaya kong ibinalita ito sa kapamilya at mga kaibigan ko. Higit sa lahat, sa mga inutangan ko ng pamasahe.., pahiwatig na maibabalik ko na ang mga hiniram ko sa kanila.

Dumaan ang ilang araw at linggo. Naramdaman ko na parang umuulit lang mga pinaranasan nila sakin noon, kaya lakas loob na naman akong nagtanong.

Nakakatawang isipin talaga na ang isang information company hirap na hirap pa rin magbigay ng impormasyon sa mga taong nagbibigay oras sa kanila.

(sa sobrang kaba mag follow up, yung “hear” ko naging “here” na lol.)

Hindi ako makapag follow up agad kasi iniisip ko na nag holidays at iba pa. Pero kung mag-iisang buwan na… parang ‘silence means no’ na naman kaya nag email na rin ako.

Nag reply naman. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas nalaman ko ang resulta o maiiyak dahil ang dami nang nasasayang talaga.

Akala ko maganda na ang pasok ng 2025 ko, hindi pala. Balik na naman ako sa pagkalugmok at patuloy na nauubos ang pag-asa.

Hindi ko na alam kung ano na mga plano ko. Hindi ko na rin alam kung ano ba talaga plano sakin ng pagkakataon bakit nagkakaganito buhay ko.

Isang bagay lang ang alam ko, -ang matutong sumuko sa mga bagay-bagay na patuloy na nananakit sa atin. Sa pagkakataong alam mong marami nang nasasayang, nasasaktan ganoon din ang naapektuhan sa mga kilos natin. Baka nasa ibang pagkakataon at lugar lang mga pangarap natin.

Higit sa lahat, gawin nating inspirasyon lahat ng mga masasakit na pinaparanas sa atin at huwag na huwag nating iparanas ito sa iba dahil alam na natin ang pakiramdam.

Naniniwala akong matututuhan din nilang magpakatao at sana hindi na ito maranasan ng iba.

Maunawaan sana nila ang tunay na kahulugan ng “impormasyon”.

Sorry self. 😦

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply

Som2ny Network
Logo
Compare items
  • Total (0)
Compare
0
Shopping cart